I was kinda down when I made this :D/
I rap not for the fame but to stay in the game .
Story behind the song
Minsan pag nasa relasyon ka, akala mo forever na kayo. Pero di pala diba? :)
Lyrics
Minsan ako'y nangarap na sa buhay may mayakap
Isang taong tatanggap at di kelangang magpanggap
Di magdadalawang isip at kahit pa mainip
Hinding-hindi aaklas, sa pagsubok di aatras
Ang magbibigay halaga
Kailanma'y di magbabanta ng kapahamakan
pagkat ako'y iingatan, hinding hindi iiwan
At di hahayaang masaktan ng kahit na sino man
Maski saan magkahantungan
Anuman aking pasukan
Nasaking tabi ano pa man ang mangyari
Paninidigan lahat ng salitang kanyang binibitawan
Mawalay di inaasahan
Ngunit naisip ko lang hanggang ganto nalang ba?
Sa mga tala nakatingala?
At tila ba hindi ko maabot-abot
Ang nuon ko pang pilit inaarok
CHORUS:
Pusong nangungulila sa gustong maramdaman (Sa gustong maramdaman)
Pagmamahalang ninais ko na magpakailan pa man (Magpakailan pa man)
Ngunit hindi akalain na magtatapos rin pala (Magtatapos rin pala)
Ang kwentong sabay nating isinadula (Isinadula)
Minsan nakakapagtaka
Kung bakit may mga taong hilig ang magpaasa
At may mga tao ring nagtatanga-tangahan
Papilit umaasa wala na nga diba
Ano pa bang isasalba kung kanyang ibinasura
Ang nakaraang para sayo buong mundo
Ang hirap naman kase dibang basta nalang iyong bitawan
Ang isang kahapon na puno ng katuwaan
Ngayon tila nakaligtaan na
Ayaw ng balikan pagkat pumapatak ang luha
Wala na ang pupunas
At mag-isa mong dinaranas
Ang hapdi na ngayon kelangang harapin
Ilang alak man ang iyong patumbain
Di parin maibsan ang sakit na iniwan
Bakit nga ba pintagal mo pa?
kung nuon sana tinigil mo na
Ngayon nakasakit ka pa
(Chorus)
At kahit pa ano man ang gawin na
Paraan upang mabawasan ang sakit na dala
Hindi mo na mabubura ang lahat sinta
Ang pasakit na sa akin ay dinulot mo
Putang Ina Mo
(Chorus)