Tambayan Production - Di Na Ngayon
Emcee Spittin: La herencia Tragica and Tambayan Production..
A Semi-CHICANO genres of Smooth RAP...
Using our native language CHAVACANO, a dialect that sounds like spanish..
We started as an enemy in a rap competition, then lately gathered as a homies...
Then finally, it was coined and build the production.
TAMBAYAN PRODUCTION Composed of different kinds of rap group and solo artist.
Rap Group:
La Herencia Tragica
Da' Majestica
Bangsamoro
Solo Artist:
Mr. Jada
sKKKarface
Asra
Free-Doe
Lil-J
FreedJay a.k.a. Godsme
Mad-Q.
Majin Bone
Thanks to Absrapper a.k.a. Chainmastah...
For keeping the Group tight :-)
Story behind the song
After a long breakups we have move now...
That's why we've done this collaboration to our homies LA HERENCIA.
Lyrics
DI NA NGAYON
By: La Herencia Tragica
Featuring: Majid & sKKKarface
Under: Tambayan Production
Intro:
Yeah, Una vez!
La Herencia Tragica!
Together with Majid and sKKkarface!
What make this diff'rent?
We make it slow..
But defenitely this ain't gonna be slow..
Check it out!")
Chorus:
Sya yung babae labis na` iniiyakan ko..
(PERO HINDI NA NGAYON!)
Sya yung babaeng labis na kinalokohan ko..
(PERO HINDI NA NGAYON!)
Sya yung babaeng labis na` minahal ko..
(PERO HINDI NA NGAYON!)
**
Matagal na panahon na yun...
PERO HINDI NA NGAYON!
Verse1: (Emcee Spittin:/Crazy - E.)
Matagal na'ng panahon nun tayo nagkahiwalay,
Pero sa puso kong ito naghahari ang lumbay.
Pinilit kong ibinaon ang ating nakaraan,
Subalit bumabalik sa isipan ang ating pinagdaanan,
Di ko lubos maisip kung bakit pa ito nangyari?
Pinaglayo ng tadhana ngayon puno ng pighati,
Sinugatan man ang puso ko nung ikaw ay lumisan,
Pero lahat ng yan ay akin ng kinalimutan.,
Dahil sa bagong pag-ibig na aking natagpuan..
At ayoko ng maranasan ang dating kabiguan,
Sa paglipas ng panahon ay akin ng natanto.
Natutong magmahal ang puso kong ito,
Kaya`t hiling sa May-kapal na kalimutan,
Ang lahat ng nakalipas at ang lahat ng alaala..
At masaya ako sa pag-ibig ko ngayon..
Minahal man kita ng labis, pero hindi na ngayon..
(Repeat Chorus)
Verse2: (Emcee Spittin:/sKKKarface)
Mahal na mahal kita, pero ano ba talagang nangyari?
Iniwan mo`kong hindi handa, nagtatanong saking sarili..
wala naman sigurong maling nagawa sayo?
Para ako 'yung iwanan, puso ko ngayo'y bigo..
Sa pag-ibig kong ibinigay, hindi ko to makalimutan,
Sa ginawa mo sa`kin ako'y nasakta't nahihirapan..
Oo inaamin ko, na mahal kita nung panahon na yon,
Perong pag-ibig ko ngayon, di na sayo nakatuon..
Counter: (Emcee Spittin:/Jerky - J.)
Ang dating pag-ibig para sayo'y biglang naglaho,
Mga luha ko'y tumulo ngayo'y pinunasan ko..
Pag-ibig kong sayo'y likas ako ang magbigay wakas
para harapin ko ang panibagong bukas...
Pero alam ko naman sa susunod,
merong isang pag-ibig..
Na sa akin gagabay para puso'y pumintig.
At may binibini na syang hahawak sa aking kamay,
Na syang magbibigay sa akin ng pag-ibig na tunay..
(Repeat Chorus)
Verse3: (Emcee Spittin:/Majid )
*
DITO SA MUNDONG MAPAGLARO,
MGA PANAHON LALONG LUMALABO
KAY HIRAP PIGILAN BUHOS NG ULAN
SABAY TITIG NG MATAGAL SA BUWAN
SA AKING PAG IISA,AKING BINABALIK TANAW
ANG LAHAT NG MGA ISINANTABI,
IKAW PA RIN AKING BUKANG BIBIG..
**
WALA PA RING HIHIGIT SA IYONG GANDA
NGUNIT BAKIT GANON,INIWAN MO KO NANG HINDI HANDA
KAYA TULOY AKO NATULALA,PERO ANDITO PA RIN NAKATAYO
DUMAAN MAN ISANG DAANG BAGYO,DI PARIN AKO MAGUGUHO
TANDAAN MO YAN......***
Counter: (Emcee Spittin:/ Absrapper)
Sya man ang dahilan bakit ako galit sa mundo,
pero di ko pinagkaila sa yo, ang buhay ko binago..
kinulayan mo, pinunan mo, malaking puwang sa buhay ko.
di ko nakita't nadama,mga bagay na..
hinahanap ko sa mga panahon habang kapiling sya.
Pero pag kasama ka, kahit pikit mata..
sayo ko damang-dama.
Sarili ko ngayo'y nahanap na, Kontento na..
Labis man akong nasaktan nung iniwan nya,
Ngayon tanggap ko na.
Nakaraa'y lumipas na! (Lumipas na...)
(Repeat Chorus)
Bridge:
Tinatawagan mo parin ba? (**)
Iniisip mo parin ba sya? (**)
Iniiyakan mo parin ba sya? (**)
Mahal na mahal mo parin ba sya? (**)
Counter Bridge:
**
Di na ngayon, di ngayon..
Pero hindi na ngayon..
(Repeat Chorus 2x to fade)
Comments
The artist currently doesn't allow comments.