Song picture
Naghintay sa wala
Comment Share
Free download
malungkot na paghihintay..
filipino hiphop pinoy rapper enr best pinoy rap in rome best rapper in italy best rapper in rome emperyo emperyo ng roma filipino hiphop italy filipino hiphop rome ital hiphop in rome italy hiphop italy illest pinoy rap in italy illest pinoy rap in rome italy pinoy rap italy rap tagalog italy tagalog rap lirical filipino rap lirical pinoy rap lirical tagalog rap no1 pinoy rapper in italy no1 pinoy rapper in rome pinoy hiphop in italy pinoy hiphop in rome pinoy rap composer pinoy rap italy pinoy rap rome italy pinoy rap writer pinoy rapper in rome
Artist picture
ako ang Nag-iisang VONZ dito sa Roma, at isa sa grupong Emperyo ng Roma.. makilala nyo ko sa tato ko sa kanang kamay, sa apat na daliri na nakatatak ang VONZ.
Nagsimula akong magrap noong 2004, first ever rap ko ay ang DI KO PA ALAM..under NEOLICCA (mah 1st group here in Rome),, naging member ako ng SIMPLEKADO na dito din sa Roma, pero lahat yun ay past na at wala na ngayon.. Emperyo ng Roma, ito ang grupo ko.. pamilya.. itinayo ko noong Feb 10 2010..dito sa Roma.. sa layuning gustong pag isahin ang mga hiphop at rapper dito..
Song Info
Charts
Peak #573
Peak in subgenre #12
Author
VONZ
Rights
Emperyio ng Roma 2012
Uploaded
January 01, 2012
Track Files
MP3
MP3 4.6 MB 160 kbps 4:03
Lyrics
Naghintay sa wala VONZ ano'ng pakiramdam..nang naghihintay ka sa wala? naghintay ka ng matagal..tapos malalaman mong wala ka palang hinihintay.. pakinggan nyo na lang. 1st isang malungkot na kwento ang nais kong ibahagi, kakasawa naman kasi 'pag tirahan palagi, isang gabi, naglalakad ako pauwi, nakabulsa ang kamay, walang kasama't katabi, nang may tao sa malayo ang aking natanaw, nakayakap sa sariling braso nya, giniginaw, sabi ko parang babae yun nung medyo malapit, nang maaninag ko sa ilaw, "bakit wala syang jacket.." ilang metro na lang maglalapit na rin kami, parang may sumusunod sa kanya, teka sandali, napansin ko sa lakad nya biglang nagmadali, tumitingin sya sa likod nya't hindi mapakali, "Miss, ok lang ba, bakit anong problema? maputla ka, gusto mo..sa'yo na muna.. 'tong jacket ko? ok lang, wag kang mahiya.. taga-dito ka? san ka dito nakatira?" chorus halimuyak ay naiwan sa'king pinahiram, pag iniisip parang tunay ang aking naramdaman, isang babaeng misteryosa, nakasama't nahawakan, paglipad ng isip ko, nakatingin sa kalawakan, dumaan ka na sa buhay ko, 'di ka pa nag-iwan ng bakas ngunit sa isip ko 'di malilimutan, pangyayaring lagi akong kini-kilabutan, sana kayang ibalik ang oras para ka abutan. 2nd may nadaanan kaming park dun na muna huminto, 'di pa 'ko nilalamig sa init na naipon ko, tinanong ko sya, "ba't wala kang jacket gan'tong oras? kung may problema ka hindi naman gan'to ang lunas," pumatak ang luha nya, pa'no ko daw nalaman," "malakas lang talaga ako sa pakiramdaman, sa maiksing kwentuhan sinabi nya lahat, pagkatapos nya, sabi ko "ba't 'di mo iiyak? 'wag ka sa'king mahiya, nadaanan ko na yan, may malungkot, may masaya, sa buhay talagang ganyan, kung iniisip mo ikaw lang ang may ganyang problema, dami pang mas mabigat dyan pero may pag-asa, na bumubuhay para gumawa ng solusyon, matagal man o mabagal na parang prusisyon, ay matatapos din yan, kaya 'wag kang mag-alala, mula ngayon nandito na'ko, yun ang mahalaga." chorus halimuyak ay naiwan sa'king pinahiram, pag iniisip parang tunay ang aking naramdaman, isang babaeng misteryosa, nakasama't nahawakan, paglipad ng isip ko, nakatingin sa kalawakan, dumaan ka na sa buhay ko, 'di ka pa nag-iwan ng bakas ngunit sa isip ko 'di malilimutan, pangyayaring lagi akong kini-kilabutan, sana kayang ibalik ang oras para ka abutan. 3rd nagpasya na kaming umuwi dahil gabi na, magcha-chat na lang kami bago humiga, pagbukas ko ng computer in-add ko sya sa FB, nagchat sya, nakalagay ang word na SORRY, "bakit sorry? wala naman syang nagawang mali" BUKAS KITA TAYO SA PARK GANUNG ORAS ULI, "'di kita maintindihan, sinaktan ka ba nya? katabi mo sya ngayon? kaya bigla kang nag-iba?" hindi na sya sumagot, OFFLINE, natulog na'ko, kinabukasan bumalik ako sa park, "ba't walang tao.." nakita ko sa upuan, nandun lang yung jacket, naghintay ako hanggang alas dos na ay sumapit, may lumapit sa'king matandang babae, "umuwi ka na 'toy dahil wala ring mangyayari, ang babaeng hinihintay mo.... 6 years nang patay, at hindi lang ikaw ang una ditong naghintay." chorus halimuyak ay naiwan sa'king pinahiram, pag iniisip parang tunay ang aking naramdaman, isang babaeng misteryosa, nakasama't nahawakan, paglipad ng isip ko, nakatingin sa kalawakan, dumaan ka na sa buhay ko, 'di ka pa nag-iwan ng bakas ngunit sa isip ko 'di malilimutan, pangyayaring lagi akong kini-kilabutan, sana kayang ibalik ang oras para ka abutan.
Comments
Please sign up or log in to post a comment.