Free download
Song Info
Track Files
MP3
MP3 7.1 MB • 246 kbps • 4:01
Lyrics
Napapansin ko tuwing dumadaan siya
May ningning ang 'yong mga mata
At kapag magkausap kayo
Sobrang tamis ng mga ngiti mo
Di man sabihin, halata rin
Sa kanya ka may pagtingin
Di niya siguro alam ang sikreto
Siyang laman ng puso mo
Pero di masabi sa kanya
Dahil meron siyang ibang sinta
Di kayang pigilin iyong damdamin
Kahit di mo siya dapat mahalin
chorus 1:
Mahirap kung ang mahal mo'y may mahal nang iba
Nais mong makapiling siya, sa piling ng iba ang gusto niya
Mapagbiro minsan si Cupido, puso'y nilalaro
Sa lahat ng maaaring ibigin, bakit pa
Sa isang may mahal nang iba
Ngayon aaminin, meron din akong lihim
Sa 'yo ako'y may pagtingin
Lagi-lagi kong dinadasal
Sana ako na lang ang iyong mahal
Ngunit di maaaring puso'y pilitin
Kung sino ang siyang iibigin
chorus 2:
Mahirap dahil ang mahal ko'y may mahal nang iba
Nais kong makapiling ka, ang gusto mo'y makapiling siya
Mapagbiro minsan si Cupido, puso'y nilalaro
Sa lahat ng maaaring ibigin, bakit pa
Sa isang may mahal nang iba
bridge:
Nakakatulala, ano 'tong naririnig ko
Iyong inaamin, akong tunay na mahal mo
Kasabwat lang pala siya upang magselos ako
Sobrang torpe raw kasi, kailangan ng tulong
chorus 3:
Kay sarap kung ang mahal mo'y nagmamahal din sa iyo
Nais kong makapiling ka, sana panghabang buhay na
Ang galing naman ni Cupido, kapwa pinagtugma
Sa lahat ng maaaring ibigin, nahanap din
Ang isang nagmamahal sa 'kin
Sa lahal ng maaaring ibigin, hindi pala
Sa isang may mahal nang iba
Comments
The artist currently doesn't allow comments.