gusto kong sabihin sayo na minamahal kita
at kahit anong mangyariy sayo lang naka takda
ang pag mamahal ko at ang puso at isipan
pangako sa taas di kailanman
ibaw ba si medusa na puso ay bato
kasi walang talab sayo pana ni kupido
sa dami ng mga sumubok na ikaw ay sungkitin
isang durian ang bumagsak at hindi isang bituwin
at di ko alam kung bakit ang daming nababaliw
sa tulad mong tila normal naman saking paningin
wala namang kakaiba kapag tinitignan kita
araw araw yang suot mo lang din ang iba
nag tataka nag tatanong at gusto kong alamin
ang misteryo sa likod ng mahiwagang salimin
na kapag tinititigan di mo na maalisan
o di kaya sinumpa ang kagandahan mo na yan
lahat ng madaan moy na aakit mo ng bigla
walang pina palampas binata man o matanda
ako ay curious talaga ikaw ay napaka hiwaga
gusto ko na tuklasin ang tanong paano nga ba
ngayon alam ko na kung pano so ganito ang plano
akoy mag papangap mag didisguise na ibang tao
tapos susubukan ka na kilalain ng lubos
hangang makuha ang loob pero hindi pa dun tapos
ipaparanas ko sayo kung pano ba ang masaktan
katulad ng naramdaman nila sayong kalupitan
kaya mag handa ka na pagkat ang karmay parating
babaha ng luha at luluhod din ang bituwin
kailangan lang ay focus at huwag mag padala
pag ginamitan mo ako ng yong itim na mahika
ako ay may pangontra dyan binili ko pa sa quiapo
tatlong boteng gatas ng isang puting kabayo
at pulbos na pang pagising pag akoy na hipnotise
lahat ay ready na ready na pati ang aking ride
na bicyle na pina modify ko lang kanina
kasi nanganalawang at wala na yung pintura
ikaw ay manhid sinta at
wala ka bang nararamdaman
at di mabatid na may
na meron kang nasasaktan