Free download
Lantis Ikeruz HellHeart A.K.A Mensahero
Para Sakin Buhay Ko Na Ang Rap Minsan Na kong Nangarap Na Makagawa Ng Mga Kanta Na Base Sa Aking Buhay Eto Na Xa Ngayo
LantisHell Represent HellRecord
Song Info
Genre
Charts
#23,581 today
Peak #522
#2,538 in subgenre
Peak #69
Uploaded
August 04, 2013
Track Files
MP3
MP3 5.7 MB • 128 kbps • 6:12
Lyrics
Chorus (Emil)
Nag ibang bayan at bansa ko ay nilisan
Dahil sa hirap ng buhay na di maiwasan
Sa bansa na di ko alam kung anung patutunguhan
Para lang makaahon sa buhay na puno ng kahirapan
1st Verse (Kadafi)
Kay daming mga bata ang nangungulila
Sa magulang nila ang iba ay lumaki
Na hindi na kasama ang ama at ina
Malupit ba ang mundo O sadyang ganyan lang
Talaga ang takbo ng buhay ni juan
O sadya talagang mahirap ang mabuhay dito
Dito sa mundo na ginagalawan ko
Kaya ang iba naisipan na lang
Lisanin at iwanan makipag sapalaran
Pero anu nga ba ang kapalaran ang naka abang
Ang makaahon ba? O syang tatapos sa
Ng pangarap nila meron pa bang hustisya
Sa mga taong nangarap na makaahon sa hirap
Sila ung mga bayaning buhay na inalay
Ang dugo tanging sarili nila ang karamay
Bakit ba Ganon?
Repeat chorus
2nd Verse (Emer Castro)
Halos masunog ang aking balat sa kakapag banat ng buto
Sa bayan ng arabiano habang malayo sa pamilya ko
Halos mag collapse sa sobrang init at sa pagod ngunit
Anung magagawa kung di tiisin ang mga pasakit
Binibilang ang araw hinihintay ko na itoy sumapit
Ang araw ng aking pagbabalik sa pinas
pagkat ako'y sabik na makapiling na mulimga mahal sa buhay
ang aking dalwang kapatid si nanay at si tatay
mga pinsan ko si tita at si tito at kaibigan ko
ako'y nalulungkot sa aking paglayo
nagsusumikap upang makaahon sa hirap ng buhay
paalipin sa ibang bansa titiisin kahit mahirap ito ang lagay
kumita lang ng perang sapat upang maiahon lahat
ng myembro ng pamilya mabigyan ng buhay na di salat
3rd Verse (BoszJheff)
May roon tayong pilipinas kung tawagin
Ito an gating bayan madalas lisanin
Ng kapamilya kamag anak upang makaraos
Nag titiis mawalay para lamang makatapos
Ang mga anak na nag aaral pa sa sekondarya
Kailangan tong gawin ng mapakain ang pamilya
Ang lungkot naiibsan tuwing hawak na ang litrato
Kung minsan ay minamalas aabutin moy maltrato
Sila ay naghihirap para sa maliit na sahod
Di natin alam puhunan nila dugo pawis at pagod
Magdamag na kumakayod masasabing kong magiting
OFW Sila'y bayani kong ituring
Ang iba'y hindi alam kanilang tunay na kalagayan
Mahal naming pangulo tulungan naman ang ating bayan
Hindi puro pangako at hindi puro dada
Ang lahat ng sinasabi niyo sanay ginagawa
Repeat chorus
4th verse (Mac G.)
Marahil marami na nga sa atin ang nag iibang bansa bakit tuloy tuloy parin ang hirap ng pinoy na masa at wala na bang pag asa na ibalik ang ekonomiya at naiinis ako na di buo aking pamilya at ilang bang milya ang layo ng aking ama para lamang makahanap ng sapat na pera kung merong pag kakataon na makasama ko si ama ay hindi ko sasayangin ang oras na kapiling sya at ilang Pilipino na ba ang namumuhay sa ibang bansa na di kasama ang mahal nilang kapamilya pero bakit ganto ang mga nadama kailangan pa bang danasin ang sakripisyo't kahirapan bakit kailangang abutin at wala na bang magagawa ang pangulong naka upo pag panahon ng eleksyon magaling lang kayong tumakbo tumakbo sa responsibilidad na sa inyo ay naka pataw sana naman ay mabuting Gawain sa inyo ang umibabaw
5th Verse (Jaylon)
Kay dami mga tao ang naghahangad ang buhay nila ay mapa unlad sinubukan ang kapalaran sa ibang bansa tungo at lumipad ang mga taong magigiting na may natatanging hangarin di man sigurado ang kapalaran buong loob pa rin susuungin upang ang pamilya ay di na muli pang masadlak sa kahirapan kahit na nag iisa at mahirapan hinarap ang kalungkutan kinaya ang buhay ay itinaya para sa pamilya sinakripisyo ang lahat makita lang sila na Masaya at sagana pero bakit may ilang naka pikit nagsisikap sila sa pangarap pero bakit nasa piit nabilanggo ang iba sa kaso na hindi sila ang may gawa nag punta lamang sila don para sa wala mga hinahing ay pakinggan sana'y masolusyunan
Buong puso mong inasahan wala rin palang nag aabang tunay bang Malaya at meron bang pag kakaisa abutin natin ang pangarap mga pinoy isang bansa PILIPINAS!
Comments
The artist currently doesn't allow comments.