naglalakbay na kasama ang hangin
nagpapatangay para liparin
kung san man ako dalhin.
bigla na lang akong bumagsak at napadpad dito
kung saan maraming tao na gusto nang magtago sa dilim..
at akoy nangangapa...
di malaman kung saan pupunta...
ika'y nakita sa likuran ng liwanag.
Hinabol ka ngunit sa sobrang bilis
nawala ka agad bigla.
pinilit kong hanapin kung saan ka nagpunta.
naghahanap ng tyempo baka kasi bumalik ka bigla.
sa sobrang kahihintay wala ring napala
at tinawag muli ang hangin at nagpatulong para makapaglibot...
at doon, sa kaitaas-taasan.
sa mga ulap ay hinawi nang lahat.
gusto nang bumigay dahil napagod na ng sobra ngunit hindi susuko at ipagpapatuloy ang paghahanap..
ikaw!!ikaw ay langit sa aking paningin.
ganon ang pagkakakilala sayo at hindi magbabago.
ikaw!!ikaw ay langit at akoy nasasanay na laging nasa taas at gusto kong bumaba at nalulula ako..nalulula sayo..
sa aking pagbabalik sa madilim kong mundo
nakasalubong ko ang mga taong nakita ko noon
at aking pinagmasdan sa madilim na sulok...
IKAW ANG NAKITA AT NANLALAMIG KA
NANGANGAILANGAN NG KONTING LIWANAG
sa iyong mga mata..di ka makakita
sa lugar ng yong kina-bagsakan at napatingin sa harap ikay tinitigan at di kumukurap.
at inabot ko sayo ang natitira kong liwanag.
ikaw!!ikaw ay langit sa aking paningin.
ganon ang pagkakakilala sayo at hindi MAGBABAGO!!
ikaw!!ikaw ay langit at akoy nasasanay na laging nasa taas at gusto kong bumaba at NALULULA AKO!!
Ikaw ay langit!!
ikaw ay langit at akoy nasasanay na di ka makita
nasasanay na hindi.. makasama..makasama...
makasama!