Ako ang boses na magbibigay liwanag sa dilim
Bubuklatin mga kalokohang nangyayari sa atin
Mga kagaguhan at katarantaduhan ng politiko
Mga ahas sa lipunan at sa ating gobyerno
Mga hunyango na nagpapanggap na makatao
Ngunit ang tanging gs2 ay ang mga perang panluho
Imbes na sa bayan mapunta ito ay binubulsa
Ng mga punyetang mababait kung umasta
Sa harap ng madla akala mo kung sinong banal
Mga hangal dapat sinasaksak kayo ng punyal
Mga bwakanangina dapat kayong binibigti
Ng dahil sa inyo maraming taong namumulubi
Ibalik nyo ang perang hindi para sa inyo
Tuparin ninyo ang inyong mga pangako
Kung ayaw nyong mapako sa krus ng kasamaan
Kaginhawaan ng buhay ang aming ipinagsisigawan
---------------------------------------------
Chorus:
Makinig ka sa akin kung ayaw nyong samain
Ako ang boses ng mga taong ninyong inalipin
-------------------------------------------
Ako ang boses ng mga taong naapi
Ng mga demonyong nagpapanggap na mga pari
Mga santo santuhang nagtatago sa likod ng dyos
At laging sumusuway sa ating sampung utos
Mga malalaswa ang isipan puro kahibangan
Dinudungisan ang pangalan ng ating simbahan
Maawa ka sa sarili mo ang abot moy impyerno
Nararapat ka doon masunog tang inaaa mooooo
Nagdadasal dasal ngunit ugali kang animal
Paano na kinabukasan ng ginahasa mo hangal
Walang kamuwang muwang na bata iyong ginalaw
Mga uhaw sa kalamnan kasalanan nyoy umaapaw
Dapat kayong sunugin ng hindi na pamarisan
Nararapat sa inyo ay ang salitang kamatayan
Dapat kayong ihulog sa kumukulong langis
Mga utak ipis dapat kayong winawalis
---------------------------------------------
Ako ang boses ng mga taong na agrabyado
Mga inabuso ng mga makasariling amo
Milyonaryo dahil sa perang hindi sa kanila
Kinuha mga pera ng trabahador na maralita
Kakapirangot na sweldo ay binabawasan
Para lang sa sarili nilang kapakanan
Maawa kayo sa pamilya ng inyong empleyado
Kung hindi dahil sa kanila d kayo asensado
Huwag kayong maging suwail at makasarili
Ituwid ang kamalian hanggat hindi pa to huli
Dahil kung hindi boses ko ang maghahatol
Sintensyado na kayo sa akin mga ulol
D na kayo naawa puro kayo mga buwaya
Sarili lang iniisip nyo d kayo nakakatuwa
Dyos na ang bahala sa inyo mga hunghang
D na sana kayo abutin ng kinabukasan!