Song picture
Bulag Sa Katotohanan
Comment Share
Pinoy Rap.
Artist picture
Check out the artist page.
Stream all 2 songs for free.
Song Info
Charts
Peak #146
Peak in subgenre #32
Author
Gagong Rapper / Kwago
Rights
none
Uploaded
June 10, 2007
Track Files
MP3
MP3 4.4 MB 128 kbps 4:47
Story behind the song
nothing
Lyrics
BULAG SA KATOTOHANAN Chorus: Ayoko nang malaman pa na mayroon ka nang iba Hayaan nang maging manhid itong isipan 'di na inalam ang totoo baka masaktan lang ako Hayaan nang maging bulag sa katotohanan I Baby, 'di ko man matanggap na ako'y iyong lisanin Nagbulaglagan kahit ako'y 'yong inalipin Napakasakit na harapin ang katotohanan Kahit harap-harapan mo na akong pinagtaksilan Isa bang mali na mahalin ang tulad mo Sa puso't ko't damdamin, 'di maalis sa isip ko Okey na maging manhid sa puso mo na isang bato Ako'y magtitiis kahit mahal mo'y 'di ako [repeat chorus] II Namulat ako sa pagmamahal ko sa 'yo Pati mga magulang ko, 'di pinakinggan para sa 'yo Sa pag-aakalang ikaw ang pag-asa ko Na magpapabago ng buhay at pagkatao Lahat ng ego nilamon ko para sa 'yo Para maramdaman mo ang pagmamahal ko Kahit sa katotohanan na ako'y niloloko mo Ako'y isang bulag na umiibig sa iyo [repeat chorus] III Nang makilala kita, buhay ko'y nagkaroon kulay Akala ko magtatagal at habangbuhay Masakit ang iniwan mo na nag-iisa Lalong masakit nang pinagpalit mo sa iba Ano ba ang nagawa kong kasalanan Pagkatapos pahirapan, biglang iiwanan Sa katulad ko na nagbubulag-bulagan Ngayon ang puso ko, luhaan at sugatan [repeat chorus] IV Bakit ka nag-iiba, puso mo'y 'di na ko kilala Bigla-biglang nagbabalik, pagdating mo sa akin ay naglaho Tila ngayon ay kay lamig, dati nag-aalab na pag-ibig Kay hirap tiisin pasakit mo sa 'king damdamin Dinudurog mo palagi ang puso kong ito Sa tuwing malalaman na kayo na ang magkasuyo Dapat bang magparaya't magbulag-bulagan Sa tunay na pag-ibig mo na 'di ko na makakamtan 'di kayang isipin, 'di kayang tanggapin Ngayong wala ka na sa aking paningin Sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin Paano ka mamahalin, wala ka na sa aking piling 'di ko lilimutin masasayang lumipas natin Sa aking isipan ikaw pa rin ang iibigin Alaala na lang ba, do'n kita makakasama 'di lubos ang ligaya ng pusong nag-iisa [repeat chorus twice, fading on the last time]
On Playlists
Comments
The artist currently doesn't allow comments.