Kumpisal sa Alas Singko ng Madaling-Araw – 1. love-making in the wee hours
of the morning overly romanticized.; 2. pleasing one’s self after a hard days work.
Lyrics
Kumpisal sa Alas Singko ng Madaling-Araw
( Victor Caguimbal/flu)
Binabalot ng banig
ang dilim ng paligid
Ang buhol-buhol nating kamay,
hita at talampakan
Habang hinihimas natin
ang dibdib ng buwan
Kapwa naghahabol at nagkukumahog
sa pintig ng mga litid natin
Pumulandit sa mga singit ng dingding
Sa sikmura ng bintana
ang pagod na magdamag
Ngayon, hindi na ko mangingimi
o mahihiya
Na humiga sa damuhan
(habang bumubuka ang perlas sa karagatan)
Pagkatapos mahal,
sabay nating hintayin
Na iluwal ang umaga mula sa sinapupunan
ng bukang liwayway
At sasamahan kita,
hinding-hindi iiwan
Mula sa pagduyan ng araw
Hanggang sa kanyang paghimlay