kung hindi man ikaw ang aking maging pagibig
at kung hindi mo man ako magustuhan
okay lang
hindi ako magdaramdam
kagaya nila
umiiyak nagtatampo
pag basted na
ngunit sa tuwing akoy magpasyang
lapitan ka
lahat ng nais kong sabihin sayoy
biglang nawawala
hindi ko alam kung anong gagawin
mahuli ko lang ang iyong pansin
at kung sakaling magkita tayo sa panaginip ko
sasabihin nang lahat sayo
ang nilalaman ng puso ko
at kung dooy makamit ko
ang matamis mong OO
at mahawakan ko ang palad mo
panalangin koy
matuluyan na ako
at kung hindi man ako
ang magpatibok sa puso mo
at kung hindi ko man magawang sabihin
na mahal kita
pasensya na...talagang ganyan
nadadaig na lng palagi ng kaba
sapat na sakin
ang makita ka....
at kung sakaling magkita tayo
sa panaginip mo
isusumpang ikaw lamang ang syang..
iibigin ko...
at kung dooy makamit ko
ang matamis mong oo
at mahagkan ko ang labi mo
panalangin koy matuluyan na ako
kung di rin lang totoo
sa aking panaginip...