Check out the artist page.
Stream all 5 songs for free.
Story behind the song
I wrote this song in the early 1980's, during one of the darkest history of our country.
Lyrics
Kagandahan mo'y naiiba
Marami ang sa iyo'y nais na kumuha
Tagaibang bansa dinadayo ka
Makita lamang ang iyong ganda
Sariwa mong hangin kay sarap langhapin
Nagbibigay sigla sa damdamin
Huni ng ibon sa kahuyan
Nagpapaalala ng nakaraan
Mga magaganda mong tanawin
Ay kapansin-pansin
Mga likas na yaman sa iyong lupain
Kay sarap kamtin
Ito ang aking lupaing sinilangan
May kakaibang katangian
Siya ay nababalot ng kagandahan
Saang dako mo man tingnan
Ngunit bakit nagkaganito
Ang lupaing ito
Kagandahan niya'y biglang naglaho
Parang isang bantayog na gumuho
Heto ngayon ang aking lupain
Siya'y nababalot ng dilim
Dati niyang mga katangian
Ngayon ito'y hindi niya na taglay
Bakit nagkaganito
Mahal kong lupain
Comments
The artist currently doesn't allow comments.