Isang Tanong Isang Sagot - Vigilantes ft. Lil Yong
Dongalo/M-Style Artists.. Upcoming Vigilantes "Pinaka-Hate" Mixx-Tape vol.1 under DongaloWreckords..
Check out the artist page.
Stream all 42 songs for free.
Lyrics
1st: (Khence)
May tanong aking damdamin
Hindi alam kung dapat bang sabihin
Ito ang lihim na itinatago na
Mula nuon hanggang ngayon hindi nabago
Naguguluhan kung ako ba ang laman
Ng puso mo na parang palaisipan
Wag mong isipin na akoy nahihibang
Dahil gusto ko lamang na ipaalam
Ikaw ang buhay,pangarap,at panaginip
Bakit dika maalis dito sa isip
At pinipilit ko na ipadama
Sana sabihin mo sakin Mahal Kita
Ang pagibig ko sayo ay totoo
Ang makasama ka sa habang buhay ang hiling ko
At sana,Ngayon alam mo na sakin dika umiwas
Dahil walang ibang mahal kundi ikaw hanggang wakas..
Chorus:
Isang Tanong Isang Sagot Lamang Ang Akin
Ako Ba Ang Nilalaman Ng Yong Damdamin
Sana Sabihin Mo Ako'y Mahal Mo..
Isang Tanong Isang Sagot Lamang Ang Akin
Ikaw Lang Ang Laman Ng Puso Ko't Damdamin
Sige Na Sabihin Mo Ako'y Mahal Mo..
2nd: (Bhistro)
Alam mo bang kailangan kita
Kapag wala ka di ako masigla
Kapag wala ka di ako masaya
Kaya hindi ko kakayanin pag saakin nawala ka
Alam mo bang nagiisa ka
Hindi na ko tumitingin sa iba
Kuntento na ako sayong ganda
Makita lang kita palagi Ok na
Imposible man ako ay mahalin
Pagibig ko para sayo tuloy parin
Dahil mahal kita ligaya ka saakin
Kung may problema ka handa kitang yakapin
Ako sandalan mo kapag malungkot
Ikaw ang bituing hindi ko maabot
Kahit ang tulad ko hindi mo pansin
Mahalin mo lang ako lahat ay aking hahamakin..
Repeat Chorus.
3rd: (Lil Yong)
uhh yeah!
Isang tanong,Isang sagot ang gusto ko
Sya ba ang Mahal mo o ako
Kapag sinabe mo ako,Anong Ligaya
Dahil ikaw ang nais makasama
Hindi ka sasaktan o papaiyakin
Aalagaan ka hindi paluluhain
Di tulad ng iba hindi ka lolokohin
Pag binigay damdamin diko sasayangin
Magmamahal ako ng buong tapat
Sa tunay na pagibig mo ako'y atat
At kung sakali man na may iba kana
Magbibigay ako kase mahal kita
Sasaya ako habang umiiyak
Lumigaya ka lang,Kahit ang puso ko'y Biyak
Ganyan ang pagibig ko sayo alam mo ba
Mahal Kita kahit na may iba kana..
Repeat chorus 2x.
Comments
The artist currently doesn't allow comments.